Justin Thomas
Sports

Justin Thomas, nag-withdraw sa PGA Championship

NAGWITHDRAW na sa PGA Championship ang former winner na si Justin Thomas dahil sa nararanasan nitong wrist injury.

Aniya, hindi na nito palalalain pa ang kalagayan ng kaniyang kamay at maghihintay na lamang na tuluyan itong gumaling.

Papalitan naman ni Kelly Kraft ang No. 5 seeded player in the world sa nagpapatuloy na kompetisyon.

Ito naman na ang unang pagkakataon na liliban nang paglalaro si Thomas sa isang major competisyon buhat noong Rookie Year nito noong 2015.

Matatandaan naman na nagwagi si Thomas sa PGA Championship, dalawang taon na ang nakalipas sa Quail Hollow.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *