justin bieber
International Showbiz Showbiz

Justin Bieber, ipinagpaliban ang release ng kaniyang new music

IPINAGPALIBAN muna ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber ang nakatakda sanang release ng kaniyang bagong musika.

Ito ay dahil sa umano malalalim na problema at isyung kinahaharap ngayon ng singer.

Paliwanag ni Justin sa mga fans, nais na muna niyang pagtuonan ng pansin ang kaniyang pamilya at buhay may asawa.

Gusto aniyang ayusin muna ang lahat ng gusot sa kaniyang personal na buhay bago umusad sa kaniyang career.

Magugunitang pumutok ang balitang balik recording studio na ang “Sorry” singer para sa hinihinalang album noong Pebrero ng nakaraang taon.

Taong 2017 nang huling naglabas ng isang global hit si Justin na “Despacito” kasama ang Spanish singers na sina Lusi Fonsi at Daddy Yankee.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *