Eid’l Fitr
National

June 5, idineklarang holiday ni Pangulong Duterte para sa Eid’l Fitr

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang regular holiday ang Hunyo 5 para sa selebrasyon ng Eid’l Fitr.

Batay ito sa inilabas na Proclamation No. 729 ng Malacañang kasabay na rin ng pagkumpirma nito ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ang pagdeklara ng holiday sa nasabing petsa ay kasunod na rin ng rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos para sa pagtatapos ng 30 araw na fasting o pag-aayuno ng mga Muslim.

 SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *