Julia Barretto, tuluyan nang nilisan ang Star Magic

Julia Barretto, tuluyan nang nilisan ang Star Magic

TULUYAN nang nagpaalam si aktres Julia Barretto sa Star Magic matapos ang halos 14 na taon niya dito.

Nitong Miyerkules, Setyembre 30 ay opisyal na inanunsyo ng Viva Artist Agency na magiging bahagi na si Julia ng talent management ng Viva Entertainment.

Magugunita na ang Star Magic ay ang talent management arm ng ABS-CBN at former talent dito si Julia mula pa noong 2006.

Kaugnay nito, naging kontrobersyal ang pag-back-out ng aktres sa isang proyekto niya sa Star Magic pero nilinaw naman ng aktres na nagpaalam siya ng maayos sa nakakataas.

Samantala ayon sa ulat 5 years contract ang pinirmahan ni Julia sa Viva Entertainment at nasasabik na itong makatrabaho ang bago niyang pamilya.

 SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *