Julia Barretto at Dennis Padilla, nag virtual open-forum

Julia Barretto at Dennis Padilla, nag virtual open-forum

NAGKAROON ng emosyonal na pag-uusap ang mag ama na si Julia Barretto at Dennis Padilla sa latest vlog ng aktres sa kanyang Youtube channel.

Sa bagong vlog ni Julia inimbitahan nito ang kanyang ama na si Dennis sa isang virtual interview upang pag-usapan ang tungkol sa kanyang karera at kanyang relasyon sa kanyang mga anak at kanilang mag-ina.

Kabilang sa mga unang tinanong ni Julia sa kanyang ama ay ang legacy na nais niyang iwan sa kanyang mga anak.

“Gusto ko lang matandaan niyo na mapagmahal akong tatay and ipaglalaban ko kayo kahit sa kamatayan,” saad ni Dennis.

Nabahagi din ng aktor ang kanyang mga naging karanasan at natutunan noong siya ay magpositibo sa COVID-19.

“Pero alam mo as the years go by — especially as I was about to die nu’ng March 14 hanggang March 15 ng madaling araw — nag-flashback sa akin lahat ng buhay ko mula nu’ng elementary ako. And I saw all my mistakes. I saw it. It was all like a dream. Isa-isang pumapasok,” saad nito.

Nagpahayag naman ng pagpapahalaga si Julia kay Dennis matapos aminin nito ang lahat ng pagkukulang niya bilang isang ama.

“Thank you, Pa. We really appreciate you sharing your story and not only that. It’s so brave of you and I appreciate your courage to own up what you feel is your shortcomings and your COVID journey sort of put a lot of things into perspective for you,” say ni Julia.

“And because of that, it brought a lot of forgiveness. And I think one of the most important things in life and with the people that you love is being able to forgive each other,” ayon pa ng aktres.

“And I appreciate it because you know how much I love mom, how protective I am of her. So, I appreciate hearing all of these things,”  dagdag ng aktres.

Kasalukuyan namang kasama ni Dennis ang kanyang bagong asawa na isang Filipino-Australian na si Linda Gorton at mayroon silang dalawang anak na sina Gavin at Maddie.

(BASAHIN: Dimples Romana, nagbukas ng restaurant sa Singapore)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *