in-unfollow
Showbiz

Julia Baretto, in-unfollow ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia

NAPANSIN ng netizens ang pag-unfollow ni Julia Baretto sa Ex-boyfriend nitong si Joshua Garcia at ang close friend at leading lady nitong si Janella Salvador.

Kung titingnan ang Instagram account ni Julia ay makikitang wala na sa listahan ng pina-follow nito ang mga pangalan nina Joshua at Janella.

Wala na ring makikitang solong litrato ni Julia at Joshua sa newsfeed nito.

Sa kaso naman ni Joshua ay patuloy nitong pina-follow si Julia ngunit tinanggal na nito ang mga caption sa mga litrato nilang dalawa.

Kamakailan lamang ay nag-post si Joshua sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Janella na may caption na “I am lucky to have a friend like you”.

Sa ngayon ay wala pang malinaw na dahilan kung bakit in-unfollow ni Julia ang dalawa.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *