engaged na!
Showbiz

Joyce Pring at Juancho Trivino, engaged na!

ENGAGED na ang TV host at radio personality na si Joyce Pring sa actor-model boyfriend nitong si Juancho Trivino.

Sa social media, masayang ibinahagi ni Joyce na nagpropose na sa wakas ang kasintahang si Juancho.

Kwento ng radio jock, noong birthday ng kaniyang ina noong August 3 pa nang maganap ang proposal.

Sa harap ng mga kaibigan at pamilya ni Joyce tinanong ng aktor ang big question habang nasa bakasyon sila sa Boracay.

Mula aniya noon ay sunod-sunod na ang wedding planning na ginawa ng dalawa mula sa pre-marital counseling hanggang wedding dress fitting.

Noong Mayo lang ng inanunsyo ng dalawa sa publiko ang kanilang relasyon.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *