Jose Maria College, kinilala bilang role model higher education institution ng CHED

Jose Maria College, kinilala bilang role model higher education institution ng CHED

PERSONAL na binisita ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera ang Jose Maria College (JMC) partikular na ang JMC College of Medicine matapos itong kilalanin bilang role model higher education institution ng CHED.

Kasabay nito ay nag courtesy visit rin si De Vera kay Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, na siyang founding chairman ng nasabing institusyon.

Dumating din ang ilan sa mga matataas na opisyal ng CHED mula sa regional at central office sa Davao City sa pangunguna ni Chairman De Vera at personal na binisita ang Jose Maria College at JMC College of Medicine bilang paghahanda sa limited face to face classes.

Isang onsite visit at inspection ang pinangunahan mismo ni CHED Chairman De Vera sa JMC, kasama nina Unifast OIC- Executive Director Atty. Ryan l. Estevez, at ng mga technical working group nito sa mga pasilidad ng JMC College of Medicine lalong-lalo na sa mga class rooms at clinical laboratories na gagamitin para sa limited face to face classes.

Siniguro rin ng JMC College at ang College of Medicine na itinatag ni Pastor Apollo C. Quiboloy na bukod sa state of the art facilities nito para sa mga studyante, ay naaayon o naka sunod rin sa standard ng Department of Health ang mga ipinapatupad nitong health at safety protocols.

Ito’y sa gitna parin ng umiiral na banta ng Coronavirus pandemic. Gayun din ang mainam na pagpapatupad ng flexible learning.

Kasabay ng naturang pagbisita ay nagkaron din ang pagkakataon si Chairman De Vera na makasama si Pastor Apollo sa kanyang live Give us this day program upang talakayin ang mga pangunahing isyu kabilang na ang flexible learning, quality at free higher education.

Sa naging panayam kay CHED De Vera tiniyak nito na kaisa ng taong bayan ang Commision on Higher Education sa pagtupad ng kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasayon.

‘’For all our viewers of course I would like to thank Pastor Apollo C. Quiboloy for giving me time to be in this program for giving me a platform to explain what government is doing. We assure our parents our students and Filipino people that we are doing our best trying to make a difference in the lives of a young people,’’ayon kay CHED De Vera.

Kasabay din ng kanyang pagbisita nabigyan ng Certificate of Authority ang JMC upang magbukas para sa face to face classes.

‘’For having complied with the requirements of the Commission on Higher Education and Department of Health for  the reopening of campuses of higher education institutions for limited face-to-face classes during the COVID-19 pandemic’’

Nagpasalamat din ito hindi lamang sa pagtatatag ni Pastor Apollo ng Jose Maria College kundi maging sa patuloy na pagbigay nito ng credible information sa pamamagitan ng Sonshine Media Network International (SMNI).

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *