Jordan Clarkson
Sports

Jordan Clarkson, umaasang makalahok kasama ng Gilas sa FIBA World Cup

UMAASA ang Cleveland Cavaliers guard na si Jordan Clarkson na mapabilang sa Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup.

Nagpaabot naman ang NBA Star ng pagbati sa Gilas dahil isang karangalan sa bansa ang makapasok sa World Cup.

Aniya na umaasa siyang makasama ang koponan sa China.

Kumatawan na si Clarkson sa bansa sa nakaraang 2018 Asian Games kungsaan tumuntong sa panglima ang Gilas Pilipinas.

Gayunpaman ay hindi madali ang paglaro sa World Cup para sa kanya.

Dahil sa mahigpit na eligibility rules ng FIBA kungsaan isang ‘naturalised’ lamang ang papayagan nito sa bawat team.

Kukumbinsihin naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang FIBA na tanggapin nito si Clarkson bilang isang Filipino citizen.

Upang makapaglaro ito sa Gilas kasama ni big man Andray Blatche na isang naturalized Filipino citizen.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *