nanguna
Showbiz

Joker, nanguna sa pinakamaraming nominasyon sa Oscars

NANGUNA ang pelikulang ‘Joker’ sa pinakamaraming nominasyon sa nalalapit na academy awards o kilalang Oscars.

Nabatid na mayroong labing isang nimonations ang Joker kabilang na ang best picture, best actor na si Joaquin Phoenix at best director.

Habang nakakuha naman ng tig-sampung nominasyon ang pelikulang “The Irishman”, “1917” at “Once Upon A Time in Hollywood” sa awarding na gaganapin sa Pebrero 8.

Samantala, itinanghal na big winner sa katatapos lang na critics’ choice awards ang comedy-drama film na “Once a Upon a Hollywood”.

Naiuwi nito ang grand prix na “best picture”, “best original screenplay” at “best production design”.

Iginawad naman sa Joker star na si Joaquin Phoenix ang “best actor” award habang “best actress” ang Judy lead na si Renee Zellweger.

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *