Joint Task Force Taal
National

Joint Task Force Taal, nagsagawa ng aerial inspection sa paligid ng Bulkang Taal

SA pagsikat pa lamang ng araw ay agad lumipad ang Joint Task Force Taal para magsagawa ng aerial inspection sa bulkan at sa mga kumunidad na nakapaligid dito.

Kita ang makapal na abo na bumalot sa mga bubong ng mga bahay sa lugar.

Balot din ng abo ang paligid ng taal dahil sa ashfall noong linggo.

Inikot din ng Joint Task Force ang Taal Lake upang tingnan kung may mga nagtatangka pa ring pumuslit pabalik ng volcano island para kumuha ng gamit o balikan ang mga alagang hayop.

Umabot na sa 632 volcanic earthquakes ang naitala ng awtoridad kung saan 174 ang magnitude 1.2 at magnitude 4.1 at intensity 1 at intensity 5.

Nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa Bulkang Taal.

Umakyat na rin 17,555 na pamilya o 77,438 na indibidwal na apektadong residente mula sa Batangas, Laguna at Cavite.

Ilan din sa mga ito ang pansamantalang nanunuluyan sa 283 na evacuation centers sa rehiyon.

Anim na daan din ang naka-lockdown bilang precautionary measure.

Mahigit P74 milyon naman ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa Batangas at Cavite.

Samantala, idineploy na sa Batangas at Cavite ang augmentation force mula sa Camp Crame.

Ayon sa PNP, kabuuang 2,116 na pulis ang ipinadala sa dalawang probinsya upang makatulong sa paglikas at seguridad.

Ang unang grupo ay binubuo ng 1,000 na pulis kung saan 700 ang idineploy sa Batangas at 300 sa Cavite.

Habang ang ikalawang grupo na binubuo ng 1,116 na pulis ang magsisilbing reliever.

Taal Volcano, patuloy sa paglalabas ng usok at mahihinang pagsabog

Patuloy ang steam emission at mas madalang na mahihinang pagsabog ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.

Sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, nagbuga ang bulkan ng kulay dark gray na ash plumes na may taas na 100 hanggang 800 meters.

Naobserhan din ng Phivolcs na lumawak pa ang fissures o mga bitak sa lupa na unang nakita sa ilang barangay sa Lemery, Agoncillo, Talisay, at San Nicolas sa Batangas.

Samantala, nasa 65 volcanic earthquakes ang naitala ng Phivolcs sa nakalipas na magdamag kung saan dalawa dito ay nakapagtala ng Intensity I.

Simula naman ala 1:00 ng hapon noong linggo, umabot na sa 634 volcanic earthquakes ang naitala at 174 dito ang naramdaman at nagtala ng magnitude 1.2 hanggang 4.1 na mayroong intensity 1 hanggang 5.

Sinabi ng Phivolcs na nananatili pa rin sa Alert Level 4 sa Bulkang Taal, ibig sabihin posible ang banta ng hazardous explosive eruption sa susunod na mga oras o araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *