John Lloyd Cruz nag-viral sa kanyang kauna-unahang Instagram post

John Lloyd Cruz nag-viral sa kanyang kauna-unahang Instagram post

GUMAWA ng sariling Instagram account ang nagbabalik showbiz na si John Lloyd Cruz at nag- viral naman ito.

Sa kanyang post, makikita ang bagong anyo nito suot ang white shirt, moss green loose pants at isang pares ng caramel colored sneakers, na may caption na “Good vibes is real.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruz83)

Matapos ang ilang taon na pagkawala sa showbiz ni John Lloyd na ikinalunggkot ng mga fans.

Kaya naman inaaabangan ng mga netizens ngayon ang kanyang pagbabalik.

“Welcome back, Mr. John Lloyd Cruz. We’re all looking forward to your future projects. You were, truly and deeply, missed.”

“Hey Gwapo .”

Is this really his real acct? waaaaaahhhhh

Sa ngayon ay hawak siya ng management ni Maja Salvador na Crown Management.

Matatandaan na ang pagkawala ni John Lloyd sa showbiz ay dahil sa kanyang relasyon noon kay Ellen Adarna.

Nagbunga naman ang pagsasama ng dalawa nang magkaroon sila ng isang lalaking anak na si Elias.

Ngunit matapos isilang ang bata ay dumanas ng matinding depresyon si Ellen, at dumaan ng healing program sa Bali para sa kanyang mental training at naging maayos na ito.

“Because I had so many issues na hindi pa na-resolve, I was projecting it on him.” 

Hindi naman malinaw ang kanilang break up noong August 2019. Pero nakumpirma naman ito noong April 2020 na ibinahagi ni Ellen.

“We weren’t compatible, obviously, that’s why we broke up. Of course, any normal break up hurts. You want things to work,” pahayag ni Ellen.

Inamin naman ni Ellen na siya ang dahilan kaya hindi nag work ang kanilang relasyon.

“Like his approach to me, my relationship [with him has] changed without asking him to change. So I was just really the problem. How I viewed it, my thinking pattern was the problem.”

Ellen Adarna, Actress, model
Ellen Adarna, Actress, model

Sa ngayon ay maayos na ngayon ang relasyon ng dalawa kaya naman naging mas madali para sa kanila ang maging co-parents sa anak nila.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *