John Lloyd Cruz at Bea Alonzo
Showbiz

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, spotted sa El Nido, Palawan

SPOTTED ang dating magka-love team na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa El Nido, Palawan.

Sa Facebook post ni Ogie Diaz, makikita na masayang nagpa-picture ang dating magka-love team sa isang fan na nakita sila sa isang resort sa Palawan.

Dahil dito, maraming fans ng dalawa ang umaasa sa reunion project ng mga ito.

Huling nagsama si John Lloyd at Bea sa isa sa highest grossing Filipino movie na “A Second Chance” noong 2015.

2017 naman ng biglang nawala sa showbiz si John Lloyd dahil sa personal na kadahilanan.

Simula noon, naging mailap na sa media ang aktor maging ang kasintahan nitong si Ellen Adarna hanggang sa mapabalita na nanganak na nito noong nakaraang taon.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *