John Denver Trending
Showbiz

John Denver Trending, hinakot ang mga award sa Cinemalaya 2019

KINILALANG big winner sa katatapos lang na Cinemalaya Independent Film Festival 2019 ang Arden Rod Cordez film na John Denver Trending.

Ito ay matapos humakot ng anim na parangal ang naturang pelikula kabilang na ang top prize na Best Film at Netpac Jury Prize.

Itinanghal din ang John Denver Trending bilang Best Cinematography, Best Editing at Best Original Score habang naiuwi ng lead star nitong si Jansen Magpusao ang Best Actor Award.

Iginawad naman ang Best Actress kay Ruby Ruiz ng pelikulang Iska na siya naman ng kakuha ng Best Sound Design at Best Screenplay.

Nakatalong awards din ang pelikulang Edward nakapag-uwi ng Special Jury Prize, Best Production Design at Best Supporting Actress para sa young star na si Ella Cruz.

Si Rick Davao naman ang itinanghal na Best Supporting Actor sa pagganap nito sa pelikulang F3*@Bois ni Eduardo Roy Jr. na siyang kinilala bilang Best Director.

Naganap ang awards night ng 15th Cinemalaya Indie Filmfest sa CCP Main Theater.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *