nag-public apology
Showbiz

Jobert Sucaldito, nag-public apology na kay Nadine Lustre

MATAPOS maharap sa matinding pambabatikos online ay nag labas na ng public apology ang talent manager at radio host na si Jobert Sucaldito sa aktres na si Nadine Lustre.

Ito ay kaugnay ng kaniyang pahayag kung saan sinabihan nito ang aktres na sana’y tumalon na lamang sa building.

Say ni Jobert, humihingi siya ng tawad sa kay Nadine at sa lahat ng na-offend at na-apektuhan sa kaniyang naging pahayag.

Humingi din ng paumanhin ang talent manager sa radio station kung saan niya inere ang naturang statement.

Sa ngayon ay iniimbistigahan na ng naturang estasyon ang tirada ni Jobert on air sa aktres.

Hindi naman nag-isyu ng kaniyang statement si Nadine kaugnay ng kontrobersya.

Magugunitang inulan ng batikos si Jobert dahil sa tila pangmamaliit at pagbibiro nito sa mental illness at suicide.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *