Job and business fair at one-stop-shop services ilulunsad ng DOLE-Bicol

Job and business fair at one-stop-shop services ilulunsad ng DOLE-Bicol

HINIHIKAYAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang publiko na makiisa sa gaganaping job and business fair at one-stop-shop services sa pamamagitan ng virtual na tinawag na 2021 kalayaan: online trabaho, negosyo, kabuhayan (TNK) jobs na magsisimula sa a-11 hanggang a-13 ng Hunyo.

Malaking tulong sa mga Bikolano ang gagawing job fair ng DOLE-Bicol lalong lalo na sa mga nawalan ng trabaho at negosyo dahil sa krisis ng pandemya.

Ayon sa DOLE-Bicol, nang dahil pa rin sa banta ng pandemyang COVID-19, ang nasabing proyekto ng ahensya ay magiging virtual na tatawaging 2021 kalayaan: online trabaho, negosyo at kabuhayan (TNK) jobs and business fair at one-stop-shop services na aarangkada simula sa ika-11 hanggang ika-13 ng Hunyo 2021.

Layunin di-umano ng pinalawak na TNK initiative ng DOLE ang mas malaking employment opportunities para sa mga Bikolano at magabayan ang mga aspiring entrepreneurs o nagnanais na magkaroon ng sariling hanap-buhay o negosyo.

Sa ganitong uri ng paraan mas mapapabilis ang pagkilos ng human capital development at mabawasan ang negatibong epekto ng krisis na dala ng pandemya.

Parte ng nasabing virtual event ang pagbibigay ng tulong sa mga participating agencies para naman sa one-stop-shop pre-employment documentation at advisory services.

Ang lahat ng mga interesadong sumali ay inaabisuhang mag register sa link na mabubuksan sa official facebook page ng DOLE-Bicol.

Samantala, ang pagdaraos ng araw ng kalayaan ngayong taon ay may temang “diwang kalayaan sa pagkakaisa at paghilom ng bayan.”

(BASAHIN: DTI-Bicol nag-alok ng loan capital sa mga negosyante)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *