Jinri Park
Showbiz

Jinri Park, engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend

ENGAGED na ang TV host-model na si Jinri Park sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

Sa isang video blog, masayang ipinakilala ng South Korean model ang kaniyang boyfriend turned fiancé matapos ang ilang taon pagiging pribado sa kaniyang love life.

Proud na proud na ipinakita ni Jinri ang kaniyang unique engagement ring na gawa sa precious gemstone na sapphire.

Wala namang ibang detalye na ibinigay ang newly engaged couple sa nalalapit na kasal.

Ito ang unang beses na ipinakilala sa publiko ni Jinri ang kaniyang kasintahan.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *