Jerwin Ancajas, may tsansang maging susunod na flag bearer ng Philippine boxing

Jerwin Ancajas, may tsansang maging susunod na flag bearer ng Philippine boxing

MAY potensyal na maging sunod na flag bearer ng Philippine boxing ang IBF World Super Flyweight World Champion na si Jerwin Ancajas.

Ang naturang komento na maging sunod na flag bearer ay mula kay four-division champion at kasalukuyang WBC World Bantamweight title holder Nonito Donaire Jr.

Makikita umano sa galaw ni Jerwin Ancajas na hindi lang nito tinatapon ang mga suntok.

Mahahalata ani Donaire na pinag-iisipan ni Ancajas ang kanyang mga galaw sa paglalaro ng boxing.

Si Ancajas ay kasalukuyang nasa training sa Estados Unidos habang si Donaire naman ay nakatakdang makipaglaban kontra sa kapwa pilipinong si WBC Interim Bantamweight champion Reymart Gaballo sa darating na December 11.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *