Jennifer Garner
Showbiz

Jennifer Garner, nakakuha ng Hollywood star

Nakatanggap na ng Hollywood star sa Hollywood Walk of Fame ang aktres na si Jennifer Garner para sa kanyang mga acclaimed roles sa Juno at Dallas Buyers Club.

Ang Texas born actress ay nagkaroon na ng halos tatlumpung movie appearance sa loob ng dalawang dekada.

Nabigyan na rin ito ng ilang mga top awards para sa kanyang television career.

Ayon kay Jennifer, isang joyful moment ito para sa kanya na ipagdiwang ang ika-24 taon niya sa showbiz habang ginagawa ang isang trabaho na kanyang minamahal.

Taong 2001 noong nakuha ni Garner ang kanyang role bilang isang CIA agent sa ABC series na pinamagatang Atlas na nagtagal ng five seasons.

Umani si Jennifer ng golden and screen guild award para sa kanyang role bilang isa sa apat na outstanding lead actress at kasabay din nito ang nominasyon niya para sa Emmys.

Dagdag pa ni Jennifer, luck plays a big part sa kanyang career.

Natanggap ni Garner ang kanyang Hollywood star ilang araw bago ang nakatakdang pagpapalabas sa bago nitong pelikula na “Peppermint.”

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *