kasal na
Showbiz

JC Santos, ibinunyag na kasal na at magiging daddy na

ISINIWALAT ng aktor na si JC Santos na ikinasal na ito sa non-showbiz girlfriend na si Shyleena Herrera.

Sa isang pahayag, ibinunyag ng aktor na noong Setyembre nang nakaraang taon pa nang maganap ang kasalan.

Bukod dito ay inanunsyo rin ni Jc ang kaniya pagiging daddy-to-be sa susunod na buwan.

Paglilinaw naman ng aktor, hindi nangangahulugan na ngayon lang niya ibinahagi ang parte na ito ng kaniyang buhay ay inilihim at itinago na niya sa publiko ang pagiging asawa at ama.

Wala naman aniyang nagtanong ukol sa kaniyang personal na buhay kung kaya’t hindi agad ito lumabas sa publiko.

Sa huli ay sinabi ng aktor na labis ang kasiyahan nito at pagpapasalamat sa lahat ng blessing na kaniyang natatanggap sa personal na buhay at maging sa career.

 

SMNI NEWS 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *