JC Intal, inanunsyo na ang kanyang pagreretiro sa PBA

JC Intal, inanunsyo na ang kanyang pagreretiro sa PBA

PORMAL nang inanunsyo ni Phoenix Super LPG forward JC Intal ang kanyang pagre-retiro sa basketball matapos ang 13 taon nito sa Philippine Basketball Association (PBA).

Ginawa ni Intal ang biglaang anunsyo sa kanyang Instagram post kung saan pinasalamatan nito ang kanyang pamilya, kaibigan at iba pang tao na tumulong sa paghubog ng kanyang karera bilang isang –high-flying at explosive wingman.

Hindi ibinahagi ni Intal ang rason ng kanyang desisyon sa pagreretiro sa PBA bago pa man magsimula ang latest conference ng PBA.

Sa kabila nito, ibinahagi naman nito ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga coach, mula collegiate ranks hanggang sa professional league at national league.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *