Sports

Jazz naitabla ang serye kontra- Clippers sa playoffs


Naitabla ng Utah Jazz ang serye kontra-Los Angeles Clippers sa first round ng National Basketball Association (NBA) playoffs na parehong may dalawang panalo.
Nanguna sa opensa ng Jazz si veteran guard Joe Johnson na gumawa ng dalawampu’t walong puntos at limang assists.
Gumawa ng 11 straight points si Johnson sa 4th quarter para habulin ang kalamangan ng Clippers.
Hindi naman umubra ang 27 points at 12 assists ni Chris Paul para selyuhan ang kalamangan ng Clippers.
Tinapos ng Jazz ang Clippers sa iskor na 105-98.
Hawak ngayon ng Clippers ang home court advantage para sa paghaharap nila sa Game 5 sa Miyerkules.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *