Jay Park
Showbiz

Jay Park, balik-bansa para sa ‘Sexy 4eva’ tour

AFTER 2 years ay magbabalik-Pilipinas ang Korean-American star na si Jay Park para sa isa na namang one night concert.

Ito ang kinumpirma ng hip hop star sa Filipino K-Pop community.

Kabilang aniya ang Manila sa Asian leg ng kaniyang “Sexy 4eva” World Tour 2019.

Nakatakdang magtanghal sa bansa si Jay Park sa September 22 ngunit hindi pa nito ini-re-reveal ang concert stage na kaniyang gagamitin.

Bukod sa Pinas, mag-peperform din ang Korean superstar sa Hong Kong, Tokyo, Osaka, Thailand, Kuala Lumpur at Taipei.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *