Sports

Japanese golfer Nasa Hataoka, wagi sa KIA Classic

NAGWAGI ang 20-year old Japanese golfer na si Nasa Hataoka sa kakatapos lang na KIA Classic via three stroke victory.

Nagtala si Hataoka ng 5-under 67 sa final round na nagpatumba sa mga katunggali nito.

Kabilang sa mga napatumba ay sina Inbee Park, top-ranked Sung Hyun Park, Jin Young Ko, Azahara Munoz at Danielle Kang.

Sa kabuuan ay nakapagtala si Hataoka ng 18-under 270.

Dahil dito, naiwui ng Japanese golfer ang kaniyang ikatlong championship title sa huli nitong 16 na Ladies Professional Golf Association Tour.

Matatandaang nasungkit din ni Hataoka ang NW Arkansas Championship at Japan Classic nitong nakaraang taon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *