Japanese actress Yuko Takeuchi, pumanaw na sa edad na 40

Japanese actress Yuko Takeuchi, pumanaw na sa edad na 40

NAGTAGPUANG patay si Japanese Actress Yuko Takeuchi ng kanyang asawa na si actor Nakabayashi Taiki sa kanilang apartment nitong Setyembre 27, ng Linggo.

Ayon sa ulat ng Japan Times nagsagawa na ng imbestigasyon ang Tokyo Metropolitan Police Department subalit wala itong nakitang kahinahinalang nangyari kaya pinaniniwalaan ng mga ito na nag-suicide ang aktres.

Batay din sa pahayag ng talent agency ng aktres na Stardust Promotion Inc., hindi nila inaasahan ang nangyari at lubos silang nagdadalamhati.

Samantala, nag-paabot naman ng pakikiramay ang Japan industry at maging ang mga tagahanga ni Takeuchi sa pamilya nito.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *