Japan, palalawigin ang state of emergency sa 19 prefectures

Japan, palalawigin ang state of emergency sa 19 prefectures

PALALAWIGIN pa ng gobyerno ng Japan ang state of emergency sa 19 prefectures sa bansa simula sa Tokyo at iba pang mga lugar sa kabila ng patuloy na pagbaba ng mga aktibong impkesyon sa mga ospital.

Ang state of emergency na sumasakop sa 21 ng 47 prefecture ng Japan ay magtatapos na sa linggo pero mananatili pa rin hanggang Setyembre 30, sa 19 na prefecture kabilang na ang Hokkaido, Aichi, Osaka at Fukuoka.

“We need to reinforce the medical system by reducing infections,”ayon kay Nishimura.

Ayon kay Yasutoshi Nishimura, minister in-charge ng Coronavirus response ng Japan, na ang ilang mga lugar ay nasa ilalim pa rin ng malalang sitwasyon.

Umabot sa 1,834 kada-araw ang total daily infections sa Tokyo noong Miyerkules, at 1.6 milyon na may kaso ng COVID-19 na nahawaan sa kabuuan at 16,436 naman ang mga namatay sa bansang Japan.

Ayon naman sa mga eksperto, ang state of emergency ay maaaring tanggalin lamang kung ang hospital bed occupancy rate ay mas mababa sa 50%.

Ukol naman sa pagluluwag ng mga restriksyon, inihayag ni Nishimura na pag-aaralan pa ng gobyerno ang mga hakbang para sa international travelers.

Matatandaan na pinaplano ng Japan na iklian ang quarantine period sa mga indibidwal na papasok sa Japan ng sampung araw mula sa sa orihinal na labing apat na araw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *