para sa mga Pinoy
National

Japan, may alok na trabaho para sa mga Pinoy

MAY job opportunities ang Japan para sa mga Pinoy nurse at care workers.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nasa 50 nurses at 300 care workers ang kailangan ng Japan.

Sinabi ng POEA na hanggang ngayong araw na lamang ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon sa kanilang regional offices.

Habang sa May 17 naman ang deadline para sa mga aplikante sa POEA central office sa Mandaluyong City.

Kabilang sa mga kuwalipikasyon para sa nurses ay dapat graduate ng Bachelor of Science in Nursing at may aktibong PRC license; may minimum na three years hospital work experience; handang mag-trabaho at mag-aral bilang candidate para sa “Kangoshi” para makakuha ng national license sa Japan.

Ilan naman sa mga kuwalipikasyon para sa mga care worker ay graduate ng Bachelor of Science in Nursing na may PRC license o wala o nakapagtapos ng four-year course subalit kailangang magsumite ng TESDA National Certificate II sa Care-Giving o NC 2.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *