Japan, magre-recruit ng bagong astronauts sa unang pagkakataon sa loob ng 13 taon

Japan, magre-recruit ng bagong astronauts sa unang pagkakataon sa loob ng 13 taon

MAGRE-RECRUIT ang Japan ng mga bagong astronauts sa unang pagkakataon sa loob ng labintatlong taon at ang mga aplikante ay hindi na kinakailangang humawak ng science degree.

Lubos na hinihikayat ang mga kababaihan na mag-apply para sa trabaho, ayon sa Japan Aerospace Exploration Agency (JAXA), dahil lahat ng pitong kasalukuyang astronaut ay lalaki.

Ang mga matatanggap na mga bagong astronauts na aplikante, na dapat ay Japanese, ay sasanayin at ipapadala sa mga misyon, na posibleng sa buwan, sa lunar gateway o sa international space station.

Sinabi ng JAXA na tatanggap ito ng mga aplikasyon sa pagitan ng 20 ng Disyembre at ika 4 ng Marso.

Walang age requirement o gender quota at ibinaba ang height requirement nito sa 149.5 centimeters, ngunit ang work experience ay dapat hindi bababa sa tatlong taon.

Samantala, ang isa sa kasalukuyang crew ng Japan ay si Akihiko Hoshide, na bumalik sa earth mula sa international space station noong unang bahagi ng buwan na ito sa isang spacex craft.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *