Japan, maglalaan ng 500-B yen para sa vaccine fund

Japan, maglalaan ng 500-B yen para sa vaccine fund

PINAPLANO ng gobyerno ng Japan na maglalaan ng 500-B yen bilang suporta sa mga kumpanya na nagdedevelop ng bakuna sa infectious diseases at mga bagong gamot.

Ito ay matapos lumabas ang mga ulat na napag-iiwanan ang Japanese companies sa paggawa ng COVID-19 vaccines at kinakailangan ng Japan na umasa sa dayuhang mga kumpanya.

Mula sa pag-upo bilang bagong Punong Ministro ng Japan, nangako si Prime Minister Fumio Kishida na maglalaan ng 500-B yen at palalakasin nito ang pagtugon ng gobyerno sa Coronavirus at ang siyensya at teknolohiya sa bansa upang magkaroon ng isang world class research and development base para sa mga bakuna.

Sa ilalim rin ng economic package na mailalathala pagkatapos ng lower house election sa Octobre 31, pinaplano ring palawakin ng gobyerno ng Japan ang tinatawag na university fund sa pamamagitan ng paglalaan ng 600-B yen upang mapahusay pa ang research activities sa bansa.

Naka-iskedyul namang ipamahagi sa Marso sa susunod na taon ang 4.5 trilyong yen bilang tulong sa Japanese universities na mamuhunan para sa hinaharap na pananaliksik.

Mula ng maupo bilang bagong Punong Ministro ng Japan noong Oktubre 4, sinabi ni Fumio Kishida na  maglalaan ang gobyerno ng trilyong dolyar upang pagtibayin ang mga hakbang kontra COVID-19 at matiyak ang tuloy-tuloy na pag-unlad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *