Janelle Lazo Tee
Showbiz

Janelle Lazo Tee, wagi sa Miss Philippines Earth 2019

NANGIBABAW ang ganda at galing ng TV host model na si Janelle Lazo Tee sa katatapos lang na Miss Philippine Earth 2019.

Dahil dyan, matagumpay na naiuwi ng pambato ng Pasig City ang korona sa prestihiyosong pageant.

Stand out si Janelle sa 40 kandidata na nagtunggali sa The Cove Okada Manila.

Itinanghal namang Miss Ecotourism Philippines ang pambato ng Iloilo na si Karen Nicole Piccio, Miss Fire Philippines si Alex Dayrit ng Marikina City, Miss Water Philippines si Chelsea Fernandez mula sa Tacloban habang Miss Air naman si Ana Monica Tan ng Misamis Oriental.

Nakatakda naman lumaban si Jannele bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Earth sa darating na Oktubre.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *