Jamie Lim, target na makakuha ng gold medal sa Tokyo Olympics

Jamie Lim, target na makakuha ng gold medal sa Tokyo Olympics

TARGET ng Sea Games gold medalist at Pinay na karateka na si Jamie Lim na makakuha ng gold sa Tokyo Olympics ngayong taon kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon ng palarong karate.

Si Lim ay isa sa dalawang Pinay na nanalo ng gold sa karate noong SEA Games.

Sa ngayon, matinding pagsasanay ang isinagawa ni Lim kasama ang mga teammates ng karate Pilipinas kung saan ngayon weekend ay papasok na rin sila sa ‘bubble’ sa inspire sports academy sa Calamba, Laguna.

Malaki ang paniniwala ni Lim na magiging sapat ang limang buwang paghahanda hanggang Hunyo para makuha ang kanilang misyon para sa Olympic slots.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *