National

IWAS-KONTROBERSYA : NCRPO, titiyaking legal ang kanilang operasyon laban sa ilegal na droga

INATASAN ngayon ni NCRPO Dir. Oscar Albayalde ang lahat ng district directors na bumuo ng grupong tututok sa Anti-Illegal Drug Operation sa kani kanilang mga nasasakupan.
 
Kasunod ito ng muling pagbabalik ng pulisya sa kampanya kontra ilegal na droga.
 
Ayon kay Albayalde lahat ng itatalaga sa Anti-Illegal Drugs Group, ay dapat na dumaan sa matitinding training at disiplinado upang hindi na maulit ang nagdaang pangyayari na kung saan maraming Police Caloocan ang inalis dahil sa kapalpakang ginawa.
 
Hiniling din ni Albayalde sa mga district directors na pagsuotin ng mga body camera ang lahat ng magsasagawa ng operation laban sa mga illegal drugs o mag-imbita ng mga barangay opisyal o mga media man sa bawat operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *