palitan
National

 “It’s More Fun in the Philippines” planong palitan ng DOT

PLANO ng Department of Tourism na palitan na sa susunod na taon ang tourism campaign ng bansa na “It’s More Fun in the Philippines.”

Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, target ng campaign rebranding na makuha ang atensyon ng kasalukuyang henerasyon

Mula ng unang i-launch ang nasabing slogan noong 2012.

Tiniyak ni Puyat na walang magiging negatibong epekto ang naturang plano sa industriya ng turismo.

Nais ng kagawaran na mas palakasin pa ang promosyon sa mga tourist spots.

Gayundin sa mga pagkain at magandang asal ng mga Pilipino.

Bukas sa lahat ng grupo o kompanya ang pagsusumite ng bid para sa planong palitan ang tourism campaign ng DOT.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *