Domenico Pozzovivo
Sports

Italian cyclist Domenico Pozzovivo, hindi makakasali sa La Vuelta

HINDI makakasali sa Spanish La Vuelta Cycling Tournament ang Italian cyclist na si Domenico Pozzovivo.

Dahil ito sa tinamong fracture sa binti at braso matapos itong bumangga sa isang sasakyan habang ito ay nag-eensayo.

Naganap ang naturang aksidente sa Cozensa sa Southern Italy nitong Lunes.

Ayon sa Bahrain Merida Team ni Pozzovivo,   ang 36 year old na atleta ay naka-confine sa intensive care at kinakailangan sumailalim sa operasyon pero tiniyak nila na ito ay ‘stable at conscious’.

Kaugnay nito, nakatakda sanang pangunahan ni Pozzovivo ang koponan ng Bahrain Merida sa La Vuelta na magsisimula sa Agosto 24.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *