prangkisa ng ABS-CBN
Business

Isyu sa prangkisa ng ABS-CBN, paiimbestigahan sa Senado

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Grace Poe sa Senado ang isyu sa prangkisa ng ABS-CBN.

Sa inihaing Senate Resolution 322 ni Poe, hinihirit nito sa Senate Committee on Public Services na kanyang pinangangasiwaan na tingnan ang operasyon ng ABS-CBN kung sumusunod ito sa franchise terms.

Binigyan-diin ni Poe na naninidigan ang network na wala itong nilalabag na batas at ang lahat ng kanilang hakbang ay nakatutugon sa probisyon ng kanilang prangkisa.

Ang paghahain ng resolusyon ni Poe ay ilang araw matapos magsampa ng quo warranto petition si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema laban sa kumpanya para ipawalang-bisa ang prangkisa nito dahil sa umano’y mga paglabag.

CHR, pabor na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN

Suportado ng Commission on Human Rights ang laban ng ABS-CBN Corporation na ma-renew ang impending franchise bill nito.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Atty. Jacqueline Ann de Guia, spokesperson ng Commission on Human Rights, napakahalagang mabigyan ng gurantiya ang lahat sa malayang pamamahayag hindi lamang ang giant network bagkus sa pangkalahatan.

Dagdag pa ng tagapagsalita na sana ay mapag-aralang mabuti ng mga kinauukulan ang ganitong klase ng mga kaso.

Giit pa ni De Guia na umaasa silang lalabas ang tamang desisyon na naayon lamang sa batas.

“Naniniwala at umaasa na sana nga po yung Korte Suprema ay magdesisyon ng tama at ayon sa konstitusyon, gayundin po ang Kongreso. At sana po ay gamitin nila yung batas at they are guided also by the rule of law. At hindi po sana base sa anumang pulitikal na motibo,” pahayag ni De Guia.

Samantala, nirerespeto naman nila ang opinyon ng pangulo maging ang posisyon ng office of the solicitor general.

Matatandaang nito lamang Lunes nang magsampa din ng quo warranto petition suit ang Office of the Solicitor General laban sa mamapasong prangkisa ng ABS-CBN sa darating na Marso 30.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *