sa iligal na droga
National

Isyu sa iligal na droga, prayoridad na pag-aaralan ng kampo ni Vice Pres. Robredo

INIHAYAG ng kampo ni Vice President Leni Robredo na prayoridad nilang pag-aralan ang isyu kaugnay sa iligal na droga.

Kasunod ito ng pag-upo ng bise presidente bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD.

Sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, marami pa silang dapat habulin at nangako ng agarang paggalaw para sa bagong tungkulin ng pangalawang pangulo.

Kabilang aniya rito ang paglalatag ng mga plano kaugnay sa mga gagawing trabaho ni Robredo sa ICAD.

Ayon kay Gutierrez, iniiwasan umano nila na maghayag ng mga pangako nang hindi pinag-aaralan ang buong issue.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *