Israeli Prime Minister
International

Israeli Prime Minister Netanyahu, nangakong sasakupin ang Jordan Valley

NANGAKO si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na sasakupin nito ang Jordan Valley kapag muli siyang inihalal bilang prime minister ng bansa sa darating na eleksyon.

Nangako rin si Netanyahu na sasakupin ang iba pang Israeli settlements sa West Bank sa tulong ni US Pres. Donald Trump.

Binatikos naman ng kanyang mga kalaban sa politika at ng Palestinians ang umano’y kontrobersyal na pangako ni Netanyahu na posibleng makasira sa peace plan sa pagitan ng Israel at Palestine.

Gaganapin ang eleksyon sa Setyembre 17 habang inaasahang tuluyang ibubunyag ni US Pres. Trump ang kanyang peace plan matapos ang nasabing halalan na may layuning ayusin ang Israel at Palestine conflict.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *