Israeli medical experts bibisita sa ilang vaccination sites para tumulong sa vaccination program ng bansa

Israeli medical experts bibisita sa ilang vaccination sites para tumulong sa vaccination program ng bansa

TATLONG eksperto mula sa Ministry of Health ng Israel ang dumating sa bansa upang bisitahin ang iba’t ibang vaccination sites at maibahagi ang kanilang kaalaman ukol sa COVID-19 response at vaccination program ng Israel sa ating bansa.

Sinalubong ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ang mga delegado na sina Avraham Ben Zaken, Adam Segal, at Dafna Segol na lulan ng Emirates Airlines flight EK332 na lumapag  alas 4:10 ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay Secretary Galvez layon ng pagbisita ng mga delegado na tumulong sa Anti-COVID Response and Vaccination Program ng Pilipinas.

Sa consultation meeting kabilang sa mga pag-uusapan ng mga eksperto ay ang rollout ng mga bakuna sa bansa at mga paraan upang mapigilan ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang Israel ang isa sa mga bansa sa buong mundo na may mabilis at matagumpay na COVID-19 vaccination program.

Sa pinakahuling datos, 80% na ng populasyon ng Israel ang fully vaccinated na, kaya’t kontrolado na ng bansa ang mga kaso ng COVID-19.

Nabuo ang Medical mission ng Israel medical expert sa pamamagitan ng pagsisikap ng Embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv, Ministry of Health, Ministry of Foreign Affairs, and the Philippines National Task Force (NTF) against COVID-19.

Pinasasalamatan naman ni Ambassador Alberto Macairog ng Philippine Embassy sa Tel Aviv ang Israel Government dahil sa pagbibigay suporta nito laban sa Anti-COVID Response and Vaccination Program ng bansa.

Bukod sa pagdalaw sa vaccination site ng mga eksperto ay makikipagpulong din sila sa top medical experts ng bansa.

Mamamalagi ang mga Israeli medical experts sa bansa mula Hunyo 20 hanggang 25.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *