Israeli police
International

Israeli police at Palestinians, nagkasagupaan sa Jerusalem

NAGKASAGUPAAN ang Israeli police at ilang Palestinian worshippers noong araw ng linggo matapos magkasabay na sumamba ang dalawang kampo sa isang holy site sa Jerusalem.

Magkasabay na pumunta sa naturang holy site ang ilang Muslim Palestinians para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha habang ipinagdiwang din sa kaparehong araw ng mga Hudyo ang Tisha B’av holiday bilang paggunita sa pagkasira ng dalawang Jewish biblical temples sa naturang lugar.

Hindi bababa sa 60 Palestinians ang nasugatan matapos ang sagupaan kaugnay sa nasabing holy site na parehong itinuturing na teritoryo ng Israel at Palestine.

Bago pa man ang insidente ay may namumuo nang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa kaugnay sa agawan ng teritoryo sa Jerusalem.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *