Israel muling nagpadala ng clinical experts sa bansa Pilipinas

Israel muling nagpadala ng clinical experts sa bansa Pilipinas

DUMATING sa bansa ang panibagong grupo ng medical experts mula Israel.

Layunin ng Israel na maibahagi ang kanilang karanasan at mahusay sa paggagamot ng mga pasyenteng nasa malubha ang kaso ng COVID -19 .

Kabilang sa mga Israeli delagation na dumating sina Dr. Guy Choshen ang head ng delegation at siya ring  Infectious Diseases & COVID-19 Specialist sa Tel Aviv Sourasky Medical Center.

Ms. Shira Peleg ang  Head Nurse and Nursing Manager, Emergency Department, Tel Aviv Sourasky Medical Center.

Mr. Eyad Jeries ang Trauma Coordinator, Galilee Medical Center at si Mr. Chaim Markos Rafalowski ang Disaster Management Coordinator, MDA (Magen David Adom).

Pinangunahan ni Department of Health Usec. Leopoldo Vega, head ng National Task Force Response Cluster ang pagsalubong sa mga Israeli delegation kasama  sina DOH Asec. Romeo Ong, Dir. Maria Soledad Antonio, DOH-BIHC at mga kinatawan ng Israeli Embassy.

Mismong si Philippine Ambassador to Israel Macairog Alberto ang nanguna sa official send-off sa grupo ng Israeli medical experts sa Ben Gurion International Airport nitong Hulyo 25.

Mag-oobserba ang nasabing clinical experts ng Israel Ministry of Health sa COVID-19 response ng Pilipinas at magbabahagi rin ang mga ito ng kanilang mga karanasan sa paglaban sa pandemya.

Ayon kay Usec Vega at Dir. Maria Soledad Antonio, bibisita sa mga ospital sa iba’t ibang bahagi sa Metro Manila ang grupo at mga pasilidad upang maibahagi ang kanilang kaalaman kung papaano agad na matugunan ang mga nasa severe at cristical cases ng nakamamatay na sakit.

Magugunitang nitong nakalipas na Hunyo ay dumating din sa Pilipinas ang unang batch na  Israeli medical experts para magbigay ang Israeli medical mission ng kanilang karanasan at expert advice sa Anti-COVID Response at vaccination program ng Pilipinas.

Inaasahan namang mananatili ang mga Israeli medical expert ng limang araw sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *