Isetann Cinerama Complex
Metro

Isetann Cinerama Complex, Maynila, tuluyan ng ipinasara ng City Hall

IPINASARA na Manila City Government ang Isetann Cinerama Complex sa Recto, Maynila dahil paglabag sa ilang city ordinance at kuwestiyonableng business permit.

Pinangunahan mismo ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagpaskil ng closure order sa Isetann.

Batay sa memorandum mula sa Bureau of Permits ng Maynila, ipinasara ang Recto Mall dahil sa “misrepresentation of actual business area” at kwestyonableng bilang mga empleyado kung saan na nasa sampu lamang ang nasa deklarasyon nito.

Ayon kay Moreno, hindi maaring mag-operate ang Isetann hanggang hindi natutugunan nito ang lahat ng kaukulang permits at requirements.

Umaasa naman ang alkalde na maging aral ito sa lahat ng negosyante na nagpapalusot sa Lungsod ng Maynila.

Matatandaan na una nang nagbanta si Moreno na ipasasara ang mga establisyemento na mahuhuling nagkakanlong sa mga secondhand cellphones na galing sa nakaw.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *