buy-bust operation
Regional

ISIS recruiter, arestado sa buy-bust operation sa Antipolo City

ARESTADO ang umano’y ISIS recruiter na nagpakilalang lider ng MILF sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Dela Paz, Antipolo City.

Kinilala ang suspek na si Jamael Borar alyas Jamel, 39-anyos at may standing warrant of arrest sa kasong murder sa Marawi City.

Isa rin ito sa itinuturong mastermind at gunmen sa PDEA ambush sa Lanao del Sur noong October 2018 na ikinasawi ng limang agents at ikinasugat ng dalawang iba pa.

Ayon kay Police Regional Office 4A Chief Police Brigadier General Ted Carranza, si Borar ay umano’y Brigade Commander ng 117th base command, Northeastern Mindanao Front (NEMF)-Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) na nakabase sa Dilabayan Bubong, Lanao del Sur.

Sa ngayon aniya ay nangangalap pa sila ng sapat na ebidensya para patunayang miyembro ng ISIS ang suspek.

Maliban kay Borar, limang pang supek ang naaresto sa operasyon.

Nakumpiska sa operasyon ng pulisya ang nasa 375,000 pesos na halaga ng hinihinalang shabu.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *