ISIS leader
International

ISIS leader sa Yemen, nahuli ng Saudi at Yemen special forces

KAMAKAILAN ay idineklara ng Saudi at Yemeni Special Forces ang pagkakahuli sa ISIS leader branch sa Yemen ngayong buwan ng Hunyo.

Nahuli si ISIS leader Abu Osama al-Muhajer at iba pang miyembro matapos ang ikinasang raid ng special forces noong Hunyo 3.

Nasamsam ang ilang armas, ammunition at telecommunication devices mula sa mga miyembro ng teroristang grupo.

Kasama ang mga rebeldeng Houthi ay nagsagawa ng mga pag-atake ang ISIS sa Yemen simula ng maitayo ito noong taong 2014 na nagresulta sa nagpapatuloy na civil war sa bansa.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *