Isang mambabatas, hinimok ang NBI na imbestigahan ang fake bookings

Isang mambabatas, hinimok ang NBI na imbestigahan ang fake bookings

HINIMOK ng isang mambabatas ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang mga napapabalitang food delivery riders na naging biktima ng fake bookings.

Kamakailan lang ay nag-viral ang video ng isang delivery boy at napahagulgol sa iyak dahil sa sama ng loob. Agad namang tumulong ang mga kapwa nitong rider at nag-ambagan na lamang para mahimasmasan ang biktima.

Sinabi ni Deputy speaker Bernadette Herrera na siyang author ng proposed Magna Carta of E-commerce Delivery Personnel na maaaring marami na ang nabiktima ng naturang fake bookings.

Umapila naman si Herrera sa mga food delivery services na makipagtulungan sa NBI at iba pang concerned authorities sa imbestigasyon.

Nanawagan din si Herrera sa National Privacy Commission at Department of Information and Communication
Technology na suportahan ang NBI sa imbestigasyon.

SMNI NEWS

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *