sa Boracay
Regional

Isang lugar sa Boracay, pansamantalang isinara kung saan naitala ang “pooping incident”

PANSAMANTALA nang ipinasara ng Boracay Inter-Agency Task Force ang lugar sa Boracay kung saan nangyari ang umano’y pagpapadumi ng isang dayuhan sa kanyang anak.

Ayon kay Tourism Chief Bernadette Romulo-Puyat, magsasagawa ng clean-up sa lugar sa loob ng 48 hanggang 72 oras.

Hindi aniya muna pinapayagan ang paglangoy sa pinangyarihan ng insidente na may markers na 100 meters na lawak mula sa baybayin.

Sinabi ni Puyat na inaalam na ng mga otoridad ang salarin at sasampahan ito ng paglabag sa ordinance on environment.

Kuwento ng nag-post na si alyas “Grace,” noong Lunes nang mamataan nila ang dayuhan na pinapadumi ang bata sa buhangin ng dagat sa Station 1 at tinakpan ng ina gamit ang buhangin ang dumi ng anak.

Kaugnay nito, sinabi ni MIMAROPA-DENR Regional Director Natividad Bernardino na papaigtingin ang pagpapakalat ng mga ordinansa o reminders sa paligid ng Boracay beach.

Dagdag pa ni Bernardino na kinakailangan naring pag-aaralang muli ang mga ibang ordinansa ng lgu dahil mukhang hindi na epektibo.

Maliit na rin aniya ang sinisingil na P2, 500 sa sino mang lalabag sa mga ordinansang ipinapatupad sa Boracay beach.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *