Isang estudyante sa Zamboanga, patay dahil sa hazing

Isang estudyante sa Zamboanga, patay dahil sa hazing

PATAY ang biktima na si Joselito Envidiado dahil sa hazing habang arestado naman ang 12 sa 18 na officers at miyembro matapos masangkot sa nasabing initiation ng fraternity, ayon kay Police Station 11 Chief Major. Elmer Solon.

Ayon sa polisya, isa ang biktima sa anim na na-recruit at sumailalim rin sa hazing.

Sa imbestigasyon na isinagawa, lumalabaas na ang hazing ay nangyari alas diyes ng umaga sa bahay ng isang miyembro na si Fidel Cubol.

Bukod dito, natagpuan din sa insidente ang isang paddle na ginamit ng grupo.

Sa kabilang banda, itinanggi naman ng mga opisyal ng baranggay na may nalalaman ito sa pangyayari, giit pa nito, liblib ang lugar kung saan isinagawa ang hazing.

Sasampahan naman ng kasong violation sa anti-hazing law ang mga suspect kasama na ang anim na nakatakas.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *