Isang construction camp sa Thailand, ini-lockdown dahil sa kaso ng COVID-19

Isang construction camp sa Thailand, ini-lockdown dahil sa kaso ng COVID-19

ISINAILALIM sa isang buwang lockdown ang isang construction camp sa Nava Nakorn Industrial Promotion Zone matapos matuklasan na nagpositibo sa COVID-19 ang 90 na manggagawa nito sa Sung Nuen district sa Thailand.

Ipinag-utos ni Suthiporn Chanthavanich, Chief Executive ng Nava Nakorn ang pagsasara ng construction company na nagtatayo ng pagawaan sa industrial zone.

Ang pagsasara ay kasunod ng utos ng Provincial Disease Control officials sa kampo noong, Hulyo 25.

Dahil dito, hindi maaaring pumasok at lumabas ng kampo ang mga manggagawa na nagpositibo sa COVID-19.

Ang nasabing industrial zone ay matatagpuan sa Tambon Klang ng Sung Nuen District.

Kinakailangan namang tugunan ng kompanya ang mga manggagawang nangangailangan ng tulong at suporta habang nakasara ito.

Mataas na infection rate sa Samut Sakhon, naitala

Samantala, nakapagtala ng mataas na infection rate ng COVID-19 ang probinsiya ng Samut Sakhon sa Thailand.

Nakapagtala ng 1,094 na impeksyon sa  Samut Sakhon, na inilagay sa dark red zone sa COVID-19.

Dahil dito, ipinag-utos ng gobernador ng lalawigan ang madaliang isolasyon ng mga symptomatic na pasyente na nagpositibo sa antigen tests kahit na hindi pa ito sumailalim sa hospital test.

Mula sa mga bagong kaso 766 ang nakumpirma sa ospital, 326 naman ang naitala sa pamamagitan ng mass testing at dalawa naman sa bilangguan.

Sa mga kaso na naitala sa mga ospital 530 katao ang naninirahan sa Samut Sakhon at 226 mula sa ibang probinsya at 14,361 ang nagpapatuloy sa paggagamot sa mga ospital.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *