Isang barangay sa Taguig City, isasailalim sa localized lockdown

Isang barangay sa Taguig City, isasailalim sa localized lockdown

EPEKTIBO mamayang 7:00 ng gabi ay sisimulan na ang localized community quarantine o localized lockdown sa ilang bahagi ng Brgy.Sta Ana, Taguig City.

Base sa data ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) at sa rekomendasyon na rin ng quarantine and containment management team (QCMT), inilagay sa localized lockdown ang  Pulong Kendi 2 at  Samasipat sa nasabing barangay.

Magsisimula ang lockdown ngayong gabi ng Setyembre 8  hanggang 7:00 ng gabi sa Setyembre 23, 2020.

Sa ilalim ng localized community quarantine ay limitado lamang ang mga kilos ng mga residente sa lugar.

Sa panahon din ng lockdown, dito na kinukuha ang mga residente na may confirmed cases ng COVID-19 at dinadala sa quarantine facilities at nagsasagawa din ng agarang testing at active case finding sa mga kinikilalang localized area.

Sa ilalim din ng LCQ mahigpit din na ipinapatupad ang paggamit ng Taguig Unified Quarantine Pass.

Ang sinumang lalabag sa mga patakaran at alintuntunin ay mahaharap sa Republic Act No.11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act in Relation to Presidential Proclaim No. 922 and other inapplicable laws.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *