idineklarang drug-cleared
Regional

Isang barangay sa Davao del Norte, idineklarang drug-cleared Na

MAITUTURING nang drug-cleared ang isang barangay sa Davao del Norte.

Kabilang sa mga barangay na nasertipikahang drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Region 11 ay ang Barangay Balagunan sa Sto. Tomas.

Personal namang iginawad ni Lawyer Behn Joseph Tesiorna, PDEA-11 officer-in-charge ang certificate sa mga barangay official ng Balagunan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Ernesto Evangelista at sinabing isang malaking katagumpayan ng Barangay Balagunan ang kanilang natanggap na pagkilala.

Sa huling tala naman ng PDEA 11, nasa labing isang barangay na sa Sto.Tomas ang naideklarang drug-cleared sa taong 2018-2019.

 

SMNI NEWS 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *