Isa sa top swimmers ng Myanmar, hindi na sasali sa 2020 Tokyo Olympics

Isa sa top swimmers ng Myanmar, hindi na sasali sa 2020 Tokyo Olympics

HINDI na interesadong sumali sa 2020 Tokyo Olympics ang isa sa top swimmers ng Myanmar ang bente sais anyos na si Win Htet Oo.

Isa sa top swimmers si Win Htet Oo na pinangarap ang makasali sa international game ngunit alinsunod na rin sa nangyayaring kaguluhan sa kanilang bansa ay hindi na ito interesado.

Ayon kay Htet Oo, hindi magandang tingnan na sumali siya sa parada sa Tokyo Olympics na dala-dala ang kanilang bandila at nakangiti dahil isa aniya itong pagkukunwari na para bang walang masamang nangyayari sa Myanmar.

“The image of me walking behind the flag in the Parade of Nations and smiling, pretending everything was all right quite frankly disgusted me.”

“It would be a propaganda exercise, some sort of way to tell the world that everything is fine in Myanmar.”

“Until this military government of Senior General Min Aung Hlaing is removed from power, I don’t see myself competing under the Myanmar flag,” ani Oo.

Matatandaang nagsimulang nagkagulo ang Myanmar matapos pinatalsik ng militar ang civilian leader ng bansa na si Aung San Suu Kyi noong February 1, 2021.

Aung San Suu Kyi President of the National League for Democracy
Aung San Suu Kyi President of the National League for Democracy, arrested by Myanmar’s Military

Sa ngayon halos isang libo na ang namatay sa naturang kaguluhan sa bansa.

Militar ng Myanmar laban sa mga sibilyan
Militar ng Myanmar laban sa mga sibilyan

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *